Tuesday, March 7, 2017

"Balitaw ng Eagle Skawts"


Sulong mga iskawts at kayo ay magmartsa;
Masiglang mga hakbang, Karanasan na masasaya
Mga batang tapat sa pananalita
Hangaring maging Eagle….makakamit kaya?

Hinubog ng Pangako at batas Iskawt
Gaganap sa tungkulin, laging “up and about”
May tapang at lakas, may Diyos na gabay
Makakapamuhay marangal, maglilingkod, magbibigay
.
Gawad na nakahayag sa inyong mga dibdib
Hindi lamang parangal ang ibig sabihin
Patunay ng kasanayan at asal na magaling
Kabataang hinubog, yaman ng bansa natin

Sa aming tahanan, pamilya ay naghihintay
Aral na natutunan ay isasabuhay
Ito ay hamon sa kinabukasan
Na dapat tupdin at laging talikdan

Ipataw po ninyo ang karangalan sa amin
Ang mabubuting aral ay aming tutuparin
Pangako at Batas, tatalima ng tapat

Mamumuhay ng matuwid at tunay na Eagle Iskawt.


No comments:

Post a Comment