Sa bulubundukin ng Laguna
Mga bayan dito’y mapanghalina
Tanawin ay magaganda at klima ay kaayaaya
Mga bayan dito’y pinagpala, Biyayang dulot ni Bathala
Pamumuhay ay payak ngunit sagana
Nakawiwiling bumisita, nakasisiyang tumira
At ang mga bayan naman na nasa kapatagan
Kay lapit sa kamaynilaan, modernong kaunlaran
Industriyalisasyon, makabagong paraan
Dulot ay yaman, kabuhayan ng mamamayan
Meron kaming kaharian Enchanted Kingdom ang pangalan
Kakaibang lawa, Caliraya lake kung tagurian
At kung kasaysayan mayaman ang lalawigan
Dito isinilang si Jose Rizal na ating mahal
Mga likhang ukit at tsinelas, mga barong at sambalilong
pandan
Masasarap na pagkain tulad ng puto, balut lansones at
rambutan
Kung iisa-isahin ko sa dami ng maipagyayabang
Baka bukas pa matapos
itong ating palatuntunan
Natural attractions ba kamo, madami kami niyan
Pagkaramiraming talon meron ang lalawigan
At kamakailan lamang ating nabalitaan
Ang lihim ng Cavinti, ngayon lamang natuklasan
Mga makabagong likha
ipinagmamalaki ng lalawigan
Napakarami nito, hindi kami mauubusan
Hidden valley, Nuvali, Greefield at Eton City
At meron ding katangi-tanging underground cemetery
Meron akong kwento, baka hindi nyo ba nalalaman
Maria Makiling ang diwata nitong bayan
dito mismo sa bayang ating kinatatayuan
May delicious buko pie at sankaterbang hot springs na yaman.
Okay lang kaya kung
ihahayag ko na
Ang aming lalawigan ang tunay na nangunguna
Baka lang kasi may mga kokontra
Sigawan ako ng malakas na: Weeeee, hindi nga?
Pero okay lang naman sa amin ang mga iyan
Lalawigan ninyo e di sa amin din ipagyabang
Hindi kami magrereklamo , amin pang sasang ayunan
Basta pag nandito kayo sa aming probinsiya
Sinuman, kailanman gusto namin Masaya
Welcome to Laguna
No comments:
Post a Comment